Mga Tao
Anak ng Araw- Aurora kung siya’y tagurian
Diana- diyosang anak ni Jupiter at ni Latena; huwaran ng kagandahan at pinopoon ng mag nimfa; maibigin sa pangangaso
Houris- sakdal dikit na mag dalagang nananahan sa paraisong katha ni Mahomang propeta ng Moro. Ang paraisong ito ang siyang patutunguhan umano ng mga taimtim na tagasunod ng sektang pinamumunuan ni Mahoma.
Fama (Pama)- isa itong diyosang nag-aangkin ng isang mataginting na tinig na kung magbalita’y agad umaabot sa maraming panig; ito ang naglalathala ng balang gawin ng tao at pinakasasamba ng nga Hentil.
Nayades- mga nimfa sa mga batis at ilog; sinasamba ng mga Hentil na kabilang sa liping pagano.
Venus- diyosa ng pag- ibig at kagandahan; anak nina Jupiter at Diana
Cupido- diyos ng pag- ibig at anak nina Venus at Marte.
Febo- bathala ng araw
Reyna Yocasta- ina at asawa ng Haring Edipo ng Tebas; mga magulang ng magkapatid na Eteocles at Polinice
Adrasto- hari sa siyudad ng Argos na isa sa malaking sakop ng imperyong Gresya; siya ang tumulong kay Polinice sa pakikidigma laban kay Eteocles sa pag-aagawan ng magkapatid sa korona ng ama nilang si Edipo
Edipo- Anak ng tunay ng Haring Layo ng Tebas at Reyna Yocasta. Sapagkat ayon sa orakulo ni Apollo ay ang sanggol na si Edipo sa paglaki ay ang siyang papatay sa sariling ama, paglabas na paglabas nito ay ibinigay na ito ng Haring Layo sa isang pastol upang patayin. Nagdalang-awa ang pastol at isinabit na lamang ito ng patiwarik sa isang punungkahoy sa bundok. Sa daraan naman noon ni Forbante na pastol ng Haring Polivio ng Corinto, kinuha ang umiiyak na sanggol na ipinagkaloob sa Reyna Merope na asawa ng kanyang panginoong Hari. Sapagkat wala rin lamang supling ang mag-asawa, si Edipo’y inari nilang anak at inandukhang mabuti. Nang lumaki na si Edipo ay napasa-Tebas ito isang araw. Doon din nito natagpuan at nakaaway hanggang sa mapatay ng Haring Layo na hindi niya nakilalang tunay niyang ama na pagkuwan pa’y niligawan naman niya at napangasawa ang Reyna Yocasta na siyang tunay naman niyang ina. Ang naging mga anak nila ay ang magkapatid na Eteocles at Polinice na nangamatay naman sa pagbabaka dahil sa pag-aagawan sa korona.
Laura- mapapansin dito’y itinuring ni Balagtas na dalawang pantig lamang sa bigkas na “Laura” anupa’t para bagang ang baybay ay “Lawra.” Mapapansin naman sa ika-39 na saknong na nag Laura ay ginamit sa bigkas at baybay na tatlong pntig “La-u-ra,” ganito rin ang pamamaraang ginamit ni Balagtas sa salitang “ciudad” at iba pa.
Pitaco- isa ito sa pitong pantas ng Gresya.
Emir- ito ang gobernador o birey ng Gresya.
Ninfas (Nimfas)- mga nimfa sa mitolohiyang Griyego at Romano; tumutukoy sa isang pulutong ng mga bathaluman ng kalikasan na kinakatawan ng magagandang diwatang nananahan sa mga ilog, mga baris, mga bundok, mga punungkahoy at iba pa, mga diyosa sa tubig, may magagandang tinig gayundin ang taginting ng kanilang mga lira.
Sirenas-mga ninfang dagat na ayon sa mitolohiyong Griyego at Romano ay pinagkakamatayan ng mga marino o mandaragat sa mga batuhang baybayin pagkatapos tuksuhin ng kanilang nakararahuyong pag-awit.
Musa-alinman sa siyam na bathaluman o diyosa ng palaalamatang Griyego na namamahala sa panitikan at mga agham ang espiritu o diwang pumupukaw sa sagimsim o inspirasyon ng isang makata o alagad ng isang sining.
Segismundo-isang makatang dahil sa kaselan sa pagsulat ng tula ay bago nang bagong berso.
Oreadas Ninfas-mga diyosa o bathaluman sa kagubatan na sinasamba ng mga Hentil noong unang panahon. Sila’y magaganda at malalamig ang mga tinig na angkin.
Harpias-ang mga taong ito ay mababangis na diyosa ng Hentil, nagsisitahang sa mga pulong kung tawagi’y Estrofadas at sa mga gubat sa tabi ng ilog Cocito; ang mga katawan nila ay kahawig ng ibon; mukhang dalaga, baluktot ang mga kamay, matutulis ang kuko, may pakpak paniki at nakamamatay na baho ng hininga.
Linceo-hari ng Albania noong panahon ni Florante.
Narciso-isang binatang sakdal ganda at kisig, anak ni Cefisino at ni Lirope; siniphayo niyang lahat ang mga nimfang sa kanya’y suminta; ayon pa rin sa mitolohiyong Griyego, nang minsang mamalas niya ang kanyang larawan sa tubig ng isang bukal ay napaibig siya nang labis sa kanyang sarili’t siya’y nagging isang bulaklak.
Adonis-isang binatang sakdal din ang ganda; anak sa ligaw ni Haring Cinirro ng Chipre sa anak din nitong si Mirraha; sinintang labis ni Venus na diyosa ng kagandahan at pag-ibig gayundin ni Proserpina na reyna ng mga patay; sa pagtakas nito kay Venus ay nasagupa nito ang isang barko sinila.
Pluto-isa sa mga diyos ng mga hentil ayon sa mga makata ng unang panahon ay kinilalang hari ng reyno o kaharian ng impyerno.
Furias-ayon sa makatang Romanong si Vergil, ang mga Furias ay mga diyosa sa impyerno at binubuo ng tatlong babae; sina Magaera, Tisiphone at Alecto; ang buhok ng mga ito ay parang serpiyente; kung may ibig silang galitang sinuman, bubunot sila ng isang buhok ng sinuman at ipapasok iyon sa loob ng dibdib ng taong pinagagalit nang hindi namamalayan; ang tai naming iyon ay pagdidiliman ng paningin sa matindinggalit at sasagasa na sa panganib. Ayon naman sa pilosopong Griyegong si Heractilus, ang mga Furias ay mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impyerno ay upang sila ang magparusa sa mga makasalanan sa lupa.
Marte-siya ang diyos ng pagbabaka ng Romano na pinangalanan naming “Ares” ng mga Griyego. Noong una’y siya ang kinikilalang diyos ng pagsasaka na sinasamba kung tagsibol at inaalayan ng mga unang bunga ng mga punongkahoy. Nang siya’y kilalanin ng diyos ng digmaan ay nalimutan na ang kanyang pagiging diyos ng pagsasaka.
Parcas-ito naman ang mga diyosa ng kapalaran at sila’y tatlo rin: si Clotho, ang humahabi ng sinulid ng buhay, si Lachesis, ang nagtatalaga sa tao ng magiging palad nito at si Atropos, ang pumapatid sa sinulid ng buhay.
Apolo-anak nina Jupiter at Latena at kapatid na panganay ni Diana; isinilang sa pulo ng Delos; buong tapang at liksing pumatay sa Serpiyente Piton na nagbibigay sakit sa kanyang ina. Ayon sa mga makata, si Apolo ang prinsipe ng mga Musa ng mga pastol at siyang unang namanukala at nagturo ng musika, tula at panghuhula.
Aurora-anak ng Araw at ng Buwan. Ayon sa mga makata, otong si Aurora na nagbubukas ng pinto ng langit pagkaumaga at kung maikabit na ang mga kabayo sa Karwahe ng Araw ay ito rin ang nangunguna sa paglabas.
Sunday, September 7, 2008
Florante at Laura
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
it was really informational for our filipino subject... I swear! :) THANKS ! and were having a p.t today so it was so helpful :D
Post a Comment